Grabe.
Hanggang ngayon wala pa akong grades sa majors.
Naisip ko lang, parang nakalambitin na naman ako sa oo at hindi. Parang, parang purgatoryo siguro. Naalala ko lang rin yung Purgatorio ni Dante Alighieri. Malupit din yun. Saka lahat ng kaluluwa, dumaraan sa matinding hirap. Oo nga e. Bawat terrace, iba-ibang pagpapakasakit.
Parang bawat subject. Iba-iba ring pagpapakasakit.
Yun nga lang sa purgatoryo, sigurado ang kaligtasan. Binibitin ka lang. Para siguro sa dulo, sabihin mo sa sarili mo: it's worth the wait. Pero dito sa nangyayari sa akin ngayon, bitin na nga ako wala pang kasiguruhan ang kaligtasan.
Kung ganito ang pakiramdam sa purgatoryo, alam ko na kung bakit mas masarap dumiretso sa langit.
Gusto ko sanang maligtas.
Ipinapanalangin ko na lang ang kaligtasan ko.
No comments:
Post a Comment