Thursday, September 2, 2010

Ulan



Nagsisimula sa saglit ngunit
paulit-ulit na paghalik
ng langit sa lupa ang ulan.

Sa bawat paglapat
ng mga patak,
dahan-dahan
at basang yumayapos
ang langit sa lupa.

Sa mga panahong ganito,
wala nang nakakapigil
sa pagbuhos ng unos

at kadalasan,
ihip lang din ng hangin
ang nakapagbabago
sa bugso ng bagyo.


No comments:

Post a Comment