Sunday, May 16, 2010

Oyayi

this was my entry to UA&P's Pro-life Poetry Contest 2010

Pinapayapa sa pagkabanayad ng tubig
ang ilang at alinlangang
maluwalhating lumalangoy
sa sinapupunan ng ina.
Hinahaplos ng ina ang balisa
na hindi matahimik sa gunita.
Pinipilit ring ipanatag ng kiming himig
ang ligalig ng diwang hindi marinig.
Ngunit sadyang labag ang pagbagal ng pintig
sa munting pusong nagsisimula pa lamang umimik.
Hindi mapalagay
sa dapat malumanay niyang kinalalagyan.
Ginagambala ng pangamba
ang kanyang pagkakataong nakataya;
ang kanyang pagkataong nakataya.
Siya’y namamaluktot;
magkahawak ang mga kamay;
tila nananalangin
(na sa mundong ito,)
na sa kanyang pamamalagi,
hindi sana katahimikan palagi.

No comments:

Post a Comment