Sunday, May 16, 2010

Oyayi

this was my entry to UA&P's Pro-life Poetry Contest 2010

Pinapayapa sa pagkabanayad ng tubig
ang ilang at alinlangang
maluwalhating lumalangoy
sa sinapupunan ng ina.
Hinahaplos ng ina ang balisa
na hindi matahimik sa gunita.
Pinipilit ring ipanatag ng kiming himig
ang ligalig ng diwang hindi marinig.
Ngunit sadyang labag ang pagbagal ng pintig
sa munting pusong nagsisimula pa lamang umimik.
Hindi mapalagay
sa dapat malumanay niyang kinalalagyan.
Ginagambala ng pangamba
ang kanyang pagkakataong nakataya;
ang kanyang pagkataong nakataya.
Siya’y namamaluktot;
magkahawak ang mga kamay;
tila nananalangin
(na sa mundong ito,)
na sa kanyang pamamalagi,
hindi sana katahimikan palagi.

A Cold Summer Night


I loved the sky tonight.

And i guess it loved me back. *)

Wednesday, May 12, 2010

Hatinggabi

Alas-dose na ng hatinggabi. Hindi pa rin ako makatulog.


Ang sabi nila, marami daw kababalaghang nangyayari kapag ganitong bilog ang buwan at saklot ng dilim ang buong paligid. Kaya pumikit ako at pinasya kong tuluyan nang lamunin ng dilim sa pagtulog.



Ngunit mas gusto ko nga yata ang kadiliman sa dilat kong mga mata. Kaya gumising ako at naglakbay sa panaginip ng madilim na katotohanan.

May natisod akong kung-ano sa aking paglalakad.




Isang kandila.


Marahil isang pagbangga sa aking katwirang kuntento na ako sa kadiliman.

Pero, oo. Mas gusto ko nga ang kadiliman.

Oo.


Ngunit ano nga kaya ang hatid nitong kandila?



Marahil hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan, kaya sinindihan ko.



Tama.



Liwanag.

Sa sahig, nakita kong marami nang natuyong luha ang kandila. Ngunit hindi ko alam o marahil nakalimutan ko na kung bakit nga mayroon na nito dito. Matagal na ring walang aninag ng liwanag sa bahaging ito ng aking silid.


Sa aking harapan, may salamin - nakita ko ang aking sariling hawak ang kandila.


Sa aking bintana, nakita ko ang buwan – at walang bituing katabi sa pusikit na latag ng gabi.




Buti na lang, hindi laging hatinggabi.

Sunday, May 9, 2010

May 10.5, 2010

Two hours na kami pumila pero super layo pa rin namin sa loob ng precint kaya umuwi muna kami para mag-lunch. Pagbalik namin, siguro kailangang may baon na kaming pang-merienda and dinner.

Sabi sa TV, pumapalpak na daw ang mga PCOS Machines.

I just heard na extended til 7pm ang pagboto.

Birthday ng kapatid ko ngayon. Seryoso.

Magre-refuel lang kami ng panglaman sa tiyan at pasensiya.

Konting lunch at dasal muna tapos balik ulit.

I'll write the rest of my insights of this May 10, 2010 Adventure after ko makaboto.

On Freedom



"Not all that is wild is free

and not all that is free is wild."

- Mira, 2010

Friday, May 7, 2010

Bago sumakay ng Jeep papuntang Pacita May 7, 2010

Sobrang traffic!


Hindi umuusad yung mga sasakyan.

Mas mabilis pa nga yata kung maglalakad ako.

Kaya nanood na lang muna ako ng demostration ng mga pulitiko (parang pagpapatila ng unos).

Sa may Alabang City Terminal three days bago mag-eleksiyon, puspusan pa rin ang mga kandidato sa kampanya. May motorcade ng mascot ng mga manok at kung ano-ano pang mga kalabuang di ko maintindihan (parang yung mascot birthday party na hindi ko nakuha noong 7 years old ako). May roll call din ng bawat area at may mga implanted supporters pa para siguradong bebenta (buti marunong sila ng kaunting mob psychology). May mga komedyanteng kumare pa yata nina Allan K at Vice Ganda para may kaunting hatak sa masa (parang okrayan lang sa showtime na pumapatok talaga sa takilya).

Matapos ang ilang sandali, medyo na-bore din ako at nag-ikot-ikot muna sa paligid.

Sa gilid ng ingay at pagbebenta ng mga pulitiko ng kanilang mga sarili sa madla, panay din ang talak at hatak ng mga tindera ng pirated DVD nila.

Walang pinagkaiba.

Sorry na lang dahil kahit anong benta ang gawin niyo, di ako dito bibili.

Sa iba ako bumibili.
Sa iba ako boboto.

Sa iba na lang po.

First Blog Entry

YEY! I finally have a blogging site!

I'll try to fix this later and add more entries.

WARNING: Most of the content would be in FILIPINO. ahahaha!