Kadalasan may mga bagay na hindi natin lubos na naipaliliwanag. Kinakapos ang liwanag na tangan ng ating mga isip. Kaya naman minsan ay kailangang mawala muna ang liwanag na ating pinanghahawakan. Sa ganitong paraan, matututunan nating umasa at maniwala sa mas makapangyarihan pa kaysa sa mga alam na nating liwanag. Mula sa pagkasilaw, maimumulat tayo ng dilim sa katotohanang nais nating makita. Upang sa dulo, mapagtanto nating isa nga lang naman talaga ang pinanggagalingan ng lahat ng liwanag – at iyon ay ang Dakilang Maylikha.